Bagong Pilipinas Logo
Republic Act 11524

Coconut Farmers and
Industry Development Plan

Itinakda ng Batas Republika Blg. 11524 o "Coconut Farmers and Industry Trust Fund (CFITF) Act"ang pagkakaroon ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP), na pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Layunin nitong gawing mas competitive ang mga magniniyog at mapaunlad ang industriya sa pamamagitan ng rehabilitasyon at modernisasyon. Binibigyang-diin ng plano ang pagpapalakas sa kakayahan ng mga magniniyog para sa katarungang panlipunan.

Mga Programa sa Ilalim ng PCA-CFIDP

Alamin ang mga suportang mapapakinabangan ng mga magniniyog sa ilalim ng Republic Act 11524

Social Protection Program

Isang programa na nagsusulong ng seguridad at tulong para sa mga magsasaka at kanilang pamilya laban sa mga panganib tulad ng kalamidad, kahirapan, at iba pang suliraning panlipunan.

Implementing Agencies: PCA, PCIC, CHED, ATI and TESDA

  • Health and Medical Program
  • Crop Insurance
  • Scholarships
  • Trainings/Farm Schools

Farmers Organization and Development

Pagbuo at pagpapalakas ng mga samahan ng mga magsasaka upang mapahusay ang kanilang kakayahan, kooperasyon, at pag-unlad sa sektor ng agrikultura.

Implementing Agency: CDA

  • Farmers Cooperatives Development
  • Farmers Association Development

Hybridization

Proseso ng pagpapalitan ng pollen mula sa iba't ibang uri ng halaman upang makabuo ng mga hybrid na puno ng niyog na may mas mataas na ani at kalidad.

Implementing Agencies: PCA, PCAARRD-DOST

  • Hybridization
  • Hybridization Research

Community-Based Farm Enterprise and Development

Pagsasaayos at pagpapaunlad ng mga sakahan sa pamamagitan ng pagkilos ng komunidad upang mapataas ang produksiyon at mapagaan ang pasanin ng mga magsasaka.

Implementing Agencies: HCVDP, NDA, BAI

  • Coconut-based Farming System/Diversification

Integrated Coconut Processing and Downstream Products

Pagsasama-sama ng iba't ibang proseso ng pagpoproseso ng niyog para makagawa ng mga produktong may mataas na halaga at dagdag na kita para sa mga magsasaka.

Implementing Agencies: PhilMech

  • Shared Processing Facilities

Support Services

Pagbibigay ng teknikal, pinansyal, at iba pang tulong upang masuportahan ang mga gawain at proyekto ng mga magsasaka sa produksyon at pamamahagi.

Implementing Agencies: DBP/LBP, DPWH

  • Credit Programs
  • Marketing and Assistance, Research and Market Promotion
  • Infrastructure

Innovative Researches & Its Practical Application on Production & Distribution

Pagsasagawa ng makabagong pananaliksik at paggamit nito sa aktwal na produksyon at pamamahagi upang mapabuti ang sektoral na kahusayan at kita.

Implementing Agencies: PCA, DOST

  • Policies and Regulations
  • Research Coordination, Collaboration, Integration and Utilization thru GAA funding of PCA, SCUs and DOST

Program Management, Coordination and M&E

Organisadong pamamahala, koordinasyon, at pagsusuri upang matiyak ang epektibo at maayos na pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng PCA-CFIDP.

Implementing Agencies: PCA, DOST

  • Creation of Office

Sino ang Makikinabang sa CFIDP?

Alamin kung kayo ay kwalipikado sa mga programa ng Coconut Farmers and Industry Development Plan

Legal na Batayan

Alinsunod sa Republic Act 11524, ang mga makikinabang ay mga "coconut farmers" o magniniyog na may lupang hindi hihigit sa limang (5) ektarya.

Batas: Republic Act 11524 - CFITF Act

May-ari ng Lupa

Nagmamay-ari ng lupain o niyugan na hindi hihigit sa limang (5) ektarya na nagsasaka o namamahala ng lupa.

Kategorya: Landowner - ≤5 ektarya

  • Nag-lilinang ng kanyang lupa (owner-cultivator)
  • May kontrol o namamahala ng lupa

Nangungupahan ng Lupa

Nangungupahan o tenant ng hindi hihigit sa limang (5) ektaryang niyugan upang mag-linang at mag-ani.

Kategorya: Lessee/Tenant - ≤5 ektarya

  • May kasunduan ng pag-upa ng lupa
  • Aktibong nagsasaka ng niyugan

Manggagawa sa Niyugan

Manggagawa sa niyugan (seasonal o itinerant) na ang pangunahing kabuhayan ay pag-sasaka ng niyog at pag-proproseso ng kopra.

Kategorya: Farm Worker (Seasonal/Itinerant)

  • Pangunahing kabuhayan: Pagsasaka ng niyog
  • Kasama ang pagproseso ng kopra

Mahalagang Paalala: Kailangan ng Rehistrasyon

Lahat ng benepisyaryo ay kailangang nakalista sa National Coconut Farmers Registry System (NCFRS) ng Philippine Coconut Authority upang makatanggap ng mga benepisyo mula sa CFIDP.

Hindi pa nakarehistro? Mag-register dito →

Paano Mag-Register sa NCFRS?

Sundin ang mga hakbang na ito para maging registered coconut farmer at mapakinabangan ang mga programa ng CFIDP

Ang National Coconut Farmers Registry System o NCFRS ay opisyal na talaan ng pamahalaan upang mabigyaan ng pagkakakilanlan ang mga magniniyog na Pilipino. Ito ang magiging batayan para sa pagtanggap ng mga benepisyo mula sa CFIDP.

Libre ang pagpaparehistro sa NCFRS. Ang pag-update ng listahan ay isinagawa kada taon upang masiguro ang tamang datos ng mga magniniyog. Maaari kang magtungo sa anumang PCA Office sa inyong lugar para sa tulong o katanungan. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa PCA regional o provincial office sa inyong rehiyon o magpadala ng mensahe sa kanilang opisyal na Facebook page.

Iba't ibang paraan ng pagrehistrong NCFRS

A

Mass Registration

Sa nakatakdang iskedyul sa inyong mga barangay o munisipalidad

B

Walk-in Registration

Sa PCA regional/provincial office at sa mga authorized partners (i.e. LGUs)

C

Form Download

I-download ang form sa: bit.ly/ncrscocolevyy

D

Online Registration

Sa link na ito: bit.ly/ncrscocolevyy

Mga Kailangang Dokumento

  • Latest 2x2 ID picture
  • Kopya ng government-issued ID
  • Kopya ng titulo ng lupa o kasunduan ng renta sa may-ari ng lupa - o anumang legal na dokumentong patunay sa pagmamay-ari ng lupa

Online Registration/Form Download

  1. 01

    I-download ang NCFRS form: bit.ly/ncrscocolevyy

  2. 02

    Sagutan ang NCFRS Form at ihanda ang iba pang dokumento

  3. 03

    I-scan o kuhaan ng picture ang mga dokumento at i-send sa email: ncfrs@pca.gov.ph (para sa form download) o i-attach sa online form

  4. 04

    Maari ring dalhin o ipasa sa pinakamalapit na PCA Office (para sa form download) o pindutin ang Submit Button (para sa online)

Walk-in Registration

  1. 01

    Kumuha ng NCFRS Form (kung pen & paper) o umupo sa available na computer (kung computer-aided)

  2. 02

    Sagutan ang NCFRS Form.

  3. 03

    Kung computer aided, kuhaan ng picture ang mga dokumento na dala at i-attach sa online form

  4. 04

    Kung pen & paper, ibigay ang nasagutang form kasama ang mga dokumentong kailangan sa PCA Authorized representative

Sino ang pwedeng magparehistrong NCFRS?

  • Farmowner
  • Owner-Tiller
  • Grower
  • Tenant/Tenant-worker
  • Farm worker/Laborer

Ano ang benepisyo ng pagrehistrong NCFRS?

A. Para sa nagmamay-ari ng hindi lalampas sa 5 ektarya na lupa, tenant, tiller, grower, tenant, o farm worker:

  1. Makakuha ng mga benepisyo na nakasaad sa RA 11524, o Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act
  2. Makalahok sa pagpili ng magiging farmer-representatives sa PCA Board

B. Para sa nagmamay-ari ng lupa na higit sa 5 ektarya:

Upang makasali sa iba pang programa ng pamahalaan

Mga Madalas na Katanungan Tungkol sa CFIDP

Narito ang mga madalas na tanong tungkol sa Coconut Farmers and Industry Development Plan

Isa sa nakasaad sa RA 11524 ay ang tungkulin ng PCA na magpanukala at bumuo ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) na aaprubahan ng Pangulo ng Pilipinas. Ang CFIDP ang magiging batayan at gabay sa mga programa na gagamit ng “Trust Fund” para mapaunlad ng industriya ng niyog sa loob ng limampung taon (50 years).

Ilan sa mga benepisyong matatanggap mula sa RA 11524 ay ang mga programang pangkalusugan at medikal, pangkabuhayan, pang-edukasyon, "crop insurance", programa sa pagpapahiram ng kapital, pag-organisa o pagpapabuti sa mga organisasyon ng mga magniniyog, at pagsasanay sa mga magniniyog at mga manggagawa sa niyugan upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa larangan ng pagniniyugan.